our panelists

Jimmuel Naval

Trends in Contemporary Fiction
August 2, 2019 | 1:00 PM - 2:30 PM | Ballroom 1 | University of the Philippines Press

Si Jimmuel Naval ay isang premyadong kuwentista, makata, at manunulat ng sanaysay. Naging kawaksing dekano si Naval ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Dati rin siyang tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), at tagapagtatag na director ng Palihang Rogelio Sicat. Ang Tatay kong Cochero at iba pang kuwento (UP Press, 2019), ang ikalawa pa lamang niyang koleksiyon ng maikling kuwento. Sa kasalukuyan, si Naval ay executive committee member ng National Committee on Language and Translation ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Nagtuturo din siya ng wika, malikhaing pagsulat, at kultura sa UP Diliman.